K Outreach Program, dinagsa sa Brgy. Tayabo
Published: July 10, 2018 04:30 PM
Dinumog ng mga residente ng Brgy. Tayabo ang pagbaba ng mga libreng serbisyong hatid ng Lokal na Pamahalaan sa pamamagitan ng K Outreach program noong Hulyo 6.
Dito, nabigyan ang mga taga-Tayabo ng iba’t ibang serbisyo ng mga departamento ng Lokal na Pamahalaan tulad ng libreng bunot ng ngipin at gamot, libreng gupit, masahe, buhangin, punlang puno at gulay, contraceptives, bigas at marami pang iba.
Samantala, sa unang pagkakataon, nakibahagi ang Generika Pharmacy sa nasabing programa upang maghatid ng blood sugar testing at BP monitoring para sa mga dumalo.
Personal ding nakausap ng mga residente si Mayor Kokoy Salvador upang ibahagi ang kanilang hinaing at mabigyan ng agarang aksyon ang mga ito.
Dagdag pa rito, sama-samang pinagsaluhan nina Mayor Kokoy, ilang kawani ng LGU at mga residente ang inihandang Boodle Fight ng Mobile Kitchen.
Pakaabangan naman ang susunod na K Outreach sa Brgy. Tondod.