News »


K Outreach Program

Published: June 16, 2023 05:12 PM



Naghatid ngayong araw (Hunyo 16) ng mga libreng tulong at serbisyo ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan sa Brgy. Camanacsacan.

Kasamang bumisita at nangamusta sa mga residente roon sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador at ilang konsehal.

Inanunsiyo rin dito na antayin lamang ang ihahatid na bigas doon mula sa Kapitolyo.

Sa susunod na Biyernes (Hunyo 23), dadayuhin naman ng K Outreach ang Brgy. Bagong Sikat.