News »


K Outreach Program - Brgy. Pinili

Published: July 07, 2023 04:27 PM



Dinayo ngayong araw (Hulyo 7) ng K Outreach Program ng lokal na pamahalaan ang Brgy. Pinili, kasama si Mayor Kokoy Salvador at ilang konsehal para maghandog ng iba’t ibang tulong at serbisyo.

Ibinahagi rin dito ni Mayor Kokoy ang planong pagpapatayo ng Senior High School building sa susunod na taon.

Bilang bahagi naman ng pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon, nagkaroon din ng palarong Mother’s Diaper Derby sa programa kung saan nagpagalingan ang mga nanay sa paggawa at pagsusuot ng diaper gamit ang tissue.

Kaugnay nito, nagpasalamat si Punong Barangay Primo Espiritu sa mga serbisyong ibinaba sa kanilang barangay.

Bibisita naman ang K Outreach sa Brgy. Tayabo sa Hulyo 14.