K Outreach Program ngayong taon, umarangkada na
Published: February 05, 2018 05:37 PM
Sa pagpapatuloy ng pagbibigay suporta ng Lokal na Pamahalaan para sa mamamayan ng San Jose, bumama ang K Outreach Program sa Brgy. Sto. Niņo 3rd nitong nakaraang Biyernes (Pebrero 2) para tumulong at maghatid ng mga libreng serbisyo.
Gaya ng nakagawian, muling bumisita si Mayor Kokoy Salvador at nakisalamuha sa mga residente upang personal na pakinggan ang kanilang mga saloobin at pangangailangan para sa agarang tugon.
Ilan sa mga serbisyong inihatid ng Lokal na Pamahalaan ay libreng reading glasses, seedlings, bigas para sa food for work program, libreng konsultasyon at gamot, buhangin, contraceptives, iodized salt at marami pang iba.
Nagkaroon din ng Zumba Eskwela na aktibong sinalihan ng mga bata.
Nakasalo pa ng mga residente si Punong Lungsod at ilang kawani ng Lokal na Pamahalaan sa isang Boodle Fight na pananghalian.
Nagbigay mensahe at dumalo rin sa naturang programa si Vice Mayor Glenda Macadangdang kasama ang ilang konsehal ng lungsod na sina Coun. Trixie Salvador, Victoria Adawag, Jennifer Salvador, Roy Andres, Niņo Laureta, at Atty. Ronald Lee Hortizuela.
Ang K Outreach Program ngayong 2018 ay dadayo at maghahatid serbisyo sa naka-iskedyul na barangay buong araw ng Biyernes, subalit ang ibang serbisyo tulad ng paghahatid ng libreng buhangin sa mga residente ng barangay ay gagawin buong linggo.
Ang susunod na K Outreach Program ay gaganapin sa Sto. Niņo 1st.