K Outreach Program sa Brgy. Villa Marina
Published: September 28, 2016 05:11 PM
“K-Outreach Program”, patuloy sa pag-arangkada
Patuloy ang pagbabara-barangay ng K-Outreach Program ng lokal na pamahalaan para maghatid ng libreng serbisyo publiko sa mga mamamayan ng Lungsod ng San Jose.
Nitong Martes hanggang ngayong araw (Setyembre 27-28) ay masayang nakatanggap ng mga serbisyo mula sa iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lokal ang mga taga-barangay Villa Marina.
Nagsisilbing daan naman ang “K-Outreach Program” upang maipahayag ng mga San Josenians ang kanilang mga hinaing at pangangailangan sa ating butihing Punong Lungsod Mario “Kokoy” Salvador.
Kasama rin dito sina Vice Mayor Glenda Felimon Macadangdang at iba pang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Taos pusong nagpasalamat naman ang mga residente sa nasabing barangay sa mga handog sa kanila ng lokal na pamahalaan. (Jennylyn Cornel)