K Outreach Program sa Brgy. Abar Segundo
Published: June 16, 2017 04:16 PM
Bilang pagtupad sa kanyang pangakong mauuna ang kapakanan ng mga mamamayan, isa namang barangay na malapit sa bayan ang binisita ng K Outreach Program ng Lokal na Pamahalaan kung saan naghatid ng mga serbisyong publiko sa loob ng dalawang araw.
Unang araw pa lang ng programa (Hunyo 15) ay dinumog na ng mga taga-Abar 2nd ang Pag-Asa Multi-Purpose Hall ng nasabing barangay, at sa ikalawang araw ay nag-opisina naman dito si Mayor Kokoy Salvador kung saan ay personal siyang nakisalamuha sa mga residente, at nakinig sa kanilang mga mungkahi at hinaing.
Namigay rin siya ng mga salamin para sa mga malalabo ang mga mata na karamihan ay senior citizen. Dito ay nakasama niya si Vice Mayor Glenda Felimon- Macadangdang, at libreng gupit naman ang hatid ng Philippine Army at ni Congresswoman Mikki S. Violago.
Nagpamigay naman ang City Nutrition Office ng mga produktong may Sangkap Pinoy Seal (SPS) at iodized salt, at nagsagawa ng pagtitimbang ng mga bata edad 0-71 buwan.
Ang City Veterenary Office naman ay nagpaalala sa taumbayan ng regular na pag-iiniksyon ng anti-rabies sa mga alagang hayop.
Nagkaroon din ng libreng konsultasyon, libreng bakuna at dental check-up ang City Health Office, habang ang City Agriculture Office ay namigay ng mga punla.
Sa ikalawang araw ng programa (Hunyo 16) ay naghatid din ng mga libreng serbisyo ang iba’t ibang sangay ng pamahalaan gaya ng City Library, Franchising and Regulatory Office, Public Employment Service Office, City Civil Registrar’s Office, City Social Welfare and Development Office, City Cooperative Development Office, OSCA, Massage Therapists andLivelihood Association, Housing And Homesite Regulation Office, gayundin ang Public Attorney’s Office.
Noong nakaraang linggo, ang K Outreach Program ay bumaba naman sa Barangay Dizol.
(Marife Torres/ Melody Z. Bartolome)