K Outreach Program sa Barangay Calaocan
Published: August 26, 2022 01:00 PM
Muling umarangkada ngayong araw (Agosto 26) ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan para maghatid ng iba’t ibang libreng serbisyo sa mga San Josenio.
Dinumog ito ng mga residente ng Barangay Calaocan kung saan nakadaupang palad nila sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.
Naroon din ang halos 20 tanggapan ng lokal na pamahalaan kabilang ang City Health Office, Nutrition Office, Veterinary Office, Population Office, Agriculture Office, CENRO, City Social Welfare and Development Office, PWD Affairs Office, Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), City Library, City Cooperative Development Office, Civil Registrar’s Office, Treasurer’s Office, PESO, Franchising and Regulatory Office, Tourism Office, Housing and Homesite Regulation Office, HR, at Community Affairs Office na siyang nanguna sa pag-organisa ng naturang programa.
Kasama rin ang PNP San Jose, St. Augustine Foundation Colleges, at Massage Therapist Livelihood Association.
Ayon kay Community Affairs Office-OIC Ryan Niño Laureta, mas pinaganda ang K Outreach Program ngayon batay sa kagustuhan ni Mayor Kokoy na makapagbigay ng serbisyong pang-mayaman para sa masa.
Nagpasalamat naman si Punong Barangay Jimmy Gabay sa mga serbisyong inihandog ng lokal na pamahalaan sa kanyang nasasakupan.