News »


K Outreach Program sa Brgy. Canuto Ramos

Published: February 03, 2023 03:29 PM



Nabigyan ng mga libreng serbisyo at tulong ng lokal na pamahalaan ang mga residente ng Brgy. Canuto Ramos ngayong araw (Pebrero 3) sa ginanap na K Outreach Program doon.

Dumalo sa programa sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador para personal na kumustahin at iabot ang mga tulong sa mga mamamayan.
Naroon din ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod, gayundin si Bokal Dindo Dysico na nagbalita ng lalong pagpapaganda ng Ospital ng Lungsod ng San Jose (OLSJ), partikular ang paglalagay ng Magnetic Resonance Imaging (MRI) doon.

Samantala, ipinaalala naman ni City Councilor Dr. Susan Corpuz ang pagdiriwang ng 19th National Dental Health Month ngayong Pebrero at kahalagahan ng tamang pag-aalaga ng ngipin.

Dagdag pa rito, nanawagan din si Eng. Mark Julius Paulino, OIC-Public Order and Safety (POS) Office sa mga motorista na ugaliing magsuot ng helmet para sa kanilang kaligtasan at sumunod sa mga batas trapiko.

Nagbigay rin ng mahahalagang impormasyon ang PNP San Jose ukol sa pagkuha ng Police Clearance.