News »


K Outreach Program sa Brgy. Dizol

Published: August 11, 2023 05:58 PM



Naghatid ng libreng serbisyo at tulong ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan sa Brgy. Dizol nitong umaga, Agosto 11.

Bumati at nakisaya sa programa sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal ng lungsod.

Game na game ding sumali at nakisayaw sa pampasiglang bilang si Vice Mayor Ali na ikinaaliw ng mga naroon.

Nagpaalala rin siya sa mga malalabo at may problema sa mata na magpakonsulta sa DRS Save Eye Care Center upang makakuha ng libreng eye check-up, maging pagpapaopera ng katarata.

Bibisita naman ang K Outreach Program sa Brgy. Kaliwanagan sa susunod na Biyernes, Agosto 18.