News »


K Outreach Program sa Brgy. R. Eugenio

Published: February 10, 2023 03:00 PM



Naghatid ng libreng tulong at serbisyo sa Brgy. R. Eugenio kaninang umaga (Pebrero 10) ang lokal na pamahalaan, kasama sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador sa ginanap na K Outreach Program doon sa Javalde Street.

Ibinahagi ni Mayor Kokoy ang pagpapatatayo ng Covered Court sa nasabing barangay para umulan man o umaraw ay maibaba sa mga residente ang mga tulong at serbisyo sa kanila at hindi na magtitiis sa kalsada.

Hinikayat din ni Mayor Kokoy na suportahan ang Team San Jose City sa Kokoy Salvador Inter-Town Basketball League at panoorin nang live ang mga laro tuwing Miyerkoles at Biyernes sa Kasali All Basketball League Facebook page.

Nagbigay naman ng kanyang pagbati sa mga mamamayan si Vice Mayor Ali, gayundin ang ilang konsehal na dumalo sa programa.

Sinabayan pa sa pagsayaw ni Vice Mayor Ali ang mga kawani ng City Health Office (CHO) na naghandog ng pampasiglang bilang.

Nagpasalamat naman si Brgy. Capt. Maria Criselda Soriano sa kanyang kabarangay na nakiisa sa programa at sa ayudang hinatid ng lokal na pamahalaan sa kanilang lugar.