News »


K Outreach Program sa Brgy. San Agustin

Published: March 31, 2023 02:51 PM



Dinayo ng K Outreach Program ang Brgy. San Agustin ngayong araw (Marso 31) kasama si Vice Mayor Ali Salvador, gayundin ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod at mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Dumalo rin sa programa ang mga kalahok ng Mister and Miss San Jose City 2023 at naging katuwang sa paghatid ng libreng tulong at serbisyo sa mga mamamayan bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng pista ng naturang barangay.

Lubos naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Regino Apostol sa pagdalaw ng K Outreach Program para sa unang araw ng kanilang pista.