News »


K Outreach Program sa Brgy. Sinipit Bubon

Published: May 12, 2023 01:35 PM



Umarangkada ang K Outreach Program sa Brgy. Sinipit Bubon ngayong araw (Mayo 12) para makiisa sa selebrasyon ng unang araw ng kapistahan ng nasabing barangay.

Iba't ibang tulong at serbisyo ang inihatid dito ng mga opisina ng lokal na pamahalaan, kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod na pawang nagpahayag ng pagbati sa mga dumalo sa programa.

Nanguna rin sa pagbibigay ng libreng reading eyeglasses at wheelchair si Mayor Kokoy, at sagot naman ni Vice Mayor Ali ang libreng Community Tax Certificate (CTC) o cedula para sa mga residente roon.

Ipinabatid naman ng Public Employment Service Office (PESO) na handa silang magbigay ng suporta para sa mga San Joseniong Overseas Filipino Worker (OFW) na kauuwi lang sa bansa.

Bukod dito, pinaalalahanan naman ng kinatawan ng San Jose City Police na si PSSG Carolyn Cortez na laging mag-iingat, lalo na sa mga may motorsiklo dahil sa kanilang mga natatanggap na report ukol sa mga kaso ng motorcycle-napping.