News »


K Outreach Program sa Brgy. Sto. Tomas

Published: August 04, 2023 03:49 PM



Dumayo ang K Outreach Program ngayong umaga (Agosto 4) sa Brgy. Sto. Tomas upang maghatid ng mga libreng tulong at serbisyo ng lokal na pamahalaan.

Nakisaya at bumati sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador kasama ang ilang konsehal ng lungsod sa mga residenteng dumalo at nakibahagi sa programa.

Nagpasalamat din si Vice Mayor Ali kay Sto. Tomas Elementary School Principal Shirly Hipolito sa pagpapahiram ng gym ng naturang paaralan para sa pagdaraos ng programa.

Samantala, hinikayat ni Disability Officer II Christian Nicolas ang lahat ng Persons with Disability (PWD) na mayroong ID na na-isyu mula taong 2021 pababa na magpa-renew ng bagong PWD ID na magiging valid sa loob ng limang taon mula sa date of issuance.

Naghandog naman ng pampasiglang bilang ang mga Senior Citizen, Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI), at Barangay Health Workers (BHW) na sinabayan pa ni Vice Mayor Ali.

Samantala, nakatakdang dumayo ang K Outreach Program sa Brgy. Dizol sa susunod na biyernes (Agosto 11).