News »


K Outreach Program sa Brgy. Tabulac

Published: May 05, 2023 12:52 PM



Isinagawa ang K Outreach Program sa Barangay Tabulac kaninang umaga (Mayo 5) bilang pakikiisa sa nalalapit na kapistahan ng nasabing barangay.

Nakisaya sa programa si Mayor Kokoy Salvador na nanguna sa pamamahagi ng iba’t ibang tulong at serbisyo sa mga residente roon, kabilang ang libreng wheelchair para kay Lola Esperanza.

Naroon din si Vice Mayor Ali Salvador na naghandog ng libreng pagkuha ng sedula, kasama ang ilang konsehal na nagpahayag ng kani-kanilang pagbati.

Dinala rin sa K Outreach ang Chikiting Ligtas Supplemental Immunization Drive ng City Health Office para magbigay ng libreng bakuna sa mga bata.

Bukod dito, nagbigay impormasyon sa mga mamamayan ang PNP-San Jose Women and Children Protection Desk ukol sa kanilang programang Barangay Empowerment on Child Abuse Resistance and Elimination Fight Unwanted Lewd Design (B.E.C.A.R.E.F.U.L).