K Outreach Program sa Brgy. Villa Floresta
Published: February 21, 2023 03:08 PM
Dinayo ng K Outreach Program ng lokal na pamahalaan ang Brgy. Villa Floresta ngayong araw (Pebrero 21) para handugan ng iba’t ibang libreng tulong at serbisyo ang mga mamamayan doon.
Ibinahagi rito ni Vice Mayor Ali Salvador ang proyektong pagtulong sa mga gumagawa ng tapuey o rice wine sa Batong Lusong.
Ayon sa kanya, katuwang dito ang Department of Trade and Industry (DTI) at Central Luzon State University (CLSU) para mas makilala ang naturang lokal na produkto.
Hindi man nakadalo sa programa si Mayor Kokoy Salvador, ipinaabot din ni Vice Mayor Ali ang pagbati sa mga dumalo sa K Outreach.
Samantala, nagbigay impormasyon sa mga residente si PMAJ. Aniceto Caraang Jr., Deputy Chief of Police tungkol sa Republic Act No. 11313 o The Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law).
Nagpamalas naman ng angking galing sa pagsayaw ng katutubong sayaw ang mga kabataang Kankana-ey, Ibaloi, at Bag-o na sinabayan pa ni Vice Ali at ilang Konsehal na ikinagiliw ng mga manonood.