K Outreach sa Abar 1st
Published: March 03, 2023 03:59 PM
Dinagsa ang mga libreng tulong at serbisyo ng K Outreach Program ng lokal na pamahalaan na hinatid sa San Roque Gym, Brgy. Abar 1st nitong umaga (Marso 3).
Handog sa mga residente ang serbisyong medikal at dental, punla ng puno, pagrerehistro ng kapanganakan, cedula, bigas at masusustansiyang pagkain, pagbabakuna, gamot para sa alagang hayop, at marami pang iba.
Dagdag pa rito, may libreng eye screening, cataract surgery, at pterygium surgery na handog ng DRS Save Eye Care Center sa pakikipag-ugnayan ni Vice Mayor Ali Salvador.
Sa mensahe naman ni Mayor Kokoy Salvador, napakapalad aniya ng Brgy. Abar 1st dahil magkakaroon ng apat na K Outreach program doon.
Batid ng Punong Lungsod na dahil sa luwang ng nasasakupang lugar ay hindi kakayanin ng isang araw para mabigyang serbisyo ang mga taga-Abar 1st.
Kaya naman aasahan ang K Outreach sa Villa Ramos sa Marso 10, sa Pabalan sa Marso 17, at sa St. Cecilia sa Marso 24.