K Outreach sa Bagong Sikat
Published: September 30, 2022 05:04 PM
Tuloy-tuloy ang K Outreach Program kung saan ibinaba naman ng lokal na pamahalaan ang iba’t ibang serbisyo nito sa Brgy. Bagong Sikat kaninang umaga (Setyembre 30).
Bukod sa mga regular na serbisyo at tulong na ipinapamahagi ng LGU San Jose sa pangunguna ni Mayor Kokoy Salvador, kasama rin sa programa kanina ang Public Attorney’s Office (PAO) para sa libreng legal services.
Nangako rin si Mayor Kokoy na sa susunod na taon ay sisiguraduhin nitong maipasemento at maipaayos ang lubak-lubak na daan sa naturang barangay.
Bagama't kasalukuyang nasa seminar/workshop si Vice Mayor Ali kasama ang mga City Councilor sa Cebu, ipinarating pa rin nito ang kanyang pasasalamat sa suporta ng mga residente.
Dumalo rin si Board Member Dindo Dysico upang mangumusta at magpasalamat sa mga dumalo sa nasabing programa.
Nanawagan naman ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ng lungsod sa mga IP sa barangay na magparehistro na upang maisama sa kanilang profiling at mapabilang sa mga programa ng gobyerno na nakalaan para sa kanila.
Mas pinasigla naman ang K Outreach ng Community Affairs Office na nagtanghal ng natatanging bilang sa programa na kinagiliwan ng mga tao.