K Outreach sa Brgy. A. Pascual
Published: May 19, 2023 03:47 PM
Dumayo ang K Outreach Program nitong umaga (Mayo 19) sa Brgy. A. Pascual, kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, ilang konsehal ng lungsod, at mga kawani ng iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan para maghatid ng mga libreng tulong at serbisyo.
Nakiisa rin sa programa at naging katuwang ng City Library si Mister San Jose City 2023 1st runner-up Daeniel John Felismino na nagsilbing storyteller sa mga batang naroon.
Bukod naman sa mga karaniwang serbisyong medikal na ibinababa sa K Outreach, dinala rin sa naturang barangay ang Chikiting Ligtas Supplemental Immunization Activity para mabakunahan ang mga bata laban sa mga sakit na polio, rubella, at tigdas.
Samantala, inanunsiyo rin ng City Population Office (PopCom) ang gaganaping libreng tubal ligation sa August 3-4 sa San Jose City General Hospital.
Nagpasalamat naman si Kag. Ireneo Pobre ng A. Pascual sa lahat ng mga libreng tulong at serbisyo na hinatid sa kanilang barangay.