News »


K Outreach sa Brgy. Crisanto Sanchez

Published: February 07, 2023 03:00 PM



Binisita ng lokal na pamahalaan sa pangunguna nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador, kasama ang ilang konsehal ang Brgy.

Crisanto Sanchez sa ginanap na K Outreach Program doon kaninang umaga (Pebrero 7) sa may Escobar Street.

Bukod sa kumustahan at pasasalamat sa mga lumahok sa programa, ibinahagi ni Mayor Kokoy na malapit nang matapos ang bagong gusali na magsisilbing Barangay Hall sa nasabing lugar.

Dagdag pa ni Mayor Kokoy, pipilitin nitong makapagpatayo ng Multi-Purpose Hall sa barangay upang sa susunod na K Outreach ay hindi na magtitiis ang mga residente sa mainit at masikip na kalsada.

Gayunpaman, ikinagalak ng nga residente ang mga natangap na ayuda gaya ng serbisyong medikal, dental, at pangkalusugan, at marami pang iba pa.

May mga help desk din ang ilang opisina ng lokal na pamahalaan at iba pang ahensiya para tumugon sa mga katanungan at concern ng mga mamamayan.

Samantala, pinasaya naman ng mga kawani ng Aklatang Panlungsod ang mga residente sa kanilang inihandang pampasiglang bilang.

Sa darating na Biyernes, Pebrero 10 dadalaw naman ang K Outreach sa Brgy. R. Eugenio.