News »


K Outreach sa Brgy. Kaliwanagan

Published: August 18, 2023 04:50 PM



Ibinaba ang serbisyo ng K Outreach Program ng lokal na pamahalaan nitong umaga (Agosto 18) sa Brgy. Kaliwanagan, kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang konsehal ng lungsod.

Paalala nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali, sulitin ang mga libreng serbisyo at tulong na hatid sa mga mamamayan doon.

Kabilang dito ang medical at dental services, eye check-up, reading glasses, seedlings, bigas, cedula, manicure, pedicure, gupit, hatid dunong, at iba pa.

Samantala, nilinaw naman ni PSSg Christian Pulido ng PNP San Jose City na hindi totoo ang kumakalat na balita tungkol sa isang lalaking alyas “Joey” na gumagala-gala at pumapatay ng kung sino-sino.

Paliwanag ni Pulido, may kasong homicide umano ang naturang lalaki at nagtatago, subalit hindi siya ‘serial killer’ na pumupunta saan-saan para patayin kahit sino.

Hiling ni Pulido, i-report sa kanilang hotlines na 0927-737-4416/0933-852-4307 kung sakaling makita si “Joey” at huwag nang magpakalat ng maling balita sa social media.

Paalala pa ng Pulisya, huwag matakot subalit lagi pa ring mag-iingat at i-save sa cellphone ang kanilang numero.