News »


K Outreach sa Brgy. R. Rueda Sr.

Published: February 17, 2023 03:18 PM



Nakatanggap ng mga libreng tulong at serbisyo ang mga residente ng Brgy. R. Rueda Sr. ngayong araw (Pebrero 17) mula sa K Outreach Program ng lokal na pamahalaan.

Kabilang dito ang libreng konsultasyon at gamot, pagbabakuna, serbisyong dental, masusustansiyang pagkain, bigas, punla ng puno, aplikasyon para sa Senior Citizen at PWD ID, wheelchair, reading eyeglasses, pagrerehistro ng kapanganakan, local and overseas recruitment, masahe, gupit, contraceptive pills, hatid dunong, at marami pang iba.

Hindi man nakarating sa programa si Mayor Kokoy Salvador, ipinaabot naman niya ang kanyang mensahe at pagbati kay Vice Mayor Ali Salvador.

Ibinahagi ni Vice Mayor Ali ang mga proyekto at planong pagsasaayos ng mga kanal, pagbibigay ng ambulansiya, at pagpapatayo ng coverd court sa barangay upang maging maayos at hindi na magtitiis ang mga mamamayan sa kalsada.

Inanunsiyo naman ni PSSG. Gladys Nery ang recruitment para sa lahat ng nagnanais na pumasok sa Philippine National Police Academy (PNPA), habang si PSSG. Liezel Manangkil ay nagbigay ng impormasyon ukol sa pagkuha ng National Police Clearance online.