News »


K Outreach sa Brgy. Sibut

Published: August 24, 2023 02:32 PM



Maagang bumisita ngayong linggong ito ang K Outreach Program, kaya naman Huwebes pa lamang ay nahatiran na ang mga taga-Sibut ng iba't ibang tulong at serbisyo ng lokal na pamahalaan, kasama ang iba pang mga ahensiya at samahan.

Dumalaw rin dito sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang konsehal na masayang nakipagkumustahan sa mga residente.

Aktibo rin ang PNP San Jose sa pagbibigay paalala para sa kaligtasan ng mga mamamayan at nagbabala sa mga nagpapakalat ng fake news.