News »


K Outreach sa Brgy. Dizol

Published: October 07, 2022 11:54 AM



Naghatid ng mga libreng serbisyo sa Brgy. Dizol ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan kaninang umaga (Oktubre 7).

Dinagsa naman ito ng mga residente at masayang nakadaupang palad doon sina Mayor Kokoy Salvador at Vice Mayor Ali Salvador, gayundin sina Board Member Dindo Dysico, City Councilor Vanj Manugue, City Councilor Mawie Munsayac-dela Cruz, City Councilor Trixie Salvador-Garcia, City Councilor Doc Susan Corpuz, at Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) Lucia Naboye.

Kasabay ring idinaos sa programa ang inagurasyon at pagbabasbas ng bagong barangay hall ng Dizol, kasama si Rev. Fr. Vic Kevin Ferrer at ilang opisyal ng barangay sa pangunguna ni Brgy. Captain Maximo Padua.