News »


K Outreach sa Brgy. Villa Marina

Published: September 16, 2022 01:00 PM



Dinayo kaninang umaga (Setyembre 16) ng K Outreach Program ang Barangay Villa Marina sa pangunguna nina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, ilang konsehal ng lungsod, at iba’t ibang tanggapan ng lokal na pamahalaan.

Bukod sa pangungumusta sa mga residente, ipinaalala nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali sa mga dumalo sa programa na laging bukas ang kanilang mga opisina upang magbigay ng tulong sa mga nangangailangan.

May dala ring wheelchair at saklay ang Punong Lungsod na ipinamahagi roon, bukod sa iba’t ibang libreng serbisyo at tulong na hatid ng K Outreach.

Siniguro naman ni Vice Mayor Ali ang pagbibigay ng buhangin na panambak para sa kanila sapagkat alam niyang isa sa kinahaharap na problema ng mga tagaroon ay ang mabatong daanan.

Hinikayat din nila ang mga mamamayan na kumuha ng sedula upang may dokumento sila ng pagkakakilanlan.

Samantala, nanawagan si City Councilor Lucia Naboye, Indigenous People Mandatory Representative sa mga indigenous people (IP) sa barangay na magpalista para makompleto ang profiling ng mga IP sa lungsod.