News »


K Outreach sa Pabalan, Abar 1st

Published: March 17, 2023 12:23 PM



Muling naghatid ng mga tulong at serbisyo ang K Outreach Program sa Brgy. Abar 1st bilang pakikiisa ng lokal na pamahalaan sa pagdiriwang ng pista sa nasabing barangay.

Idinaos ang programa kaninang umaga (Marso 17) sa Pabalan Gym, kasama sina Mayor Kokoy Salvador, Vice Mayor Ali Salvador, at ilang miyembro ng Sangguniang Panlungsod.

Lubos naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Librado Dulay sa Punong Lungsod at lokal na pamahalaan dahil inilaan sa kanilang barangay ang K Outreach Program sa buong buwan ng Marso.

Sa susunod na Biyernes, Marso 24 ay gaganapin naman sa St. Cecilia, Abar 1st ang programa.