K Outreach sa Sibut, Dinumog
Published: June 28, 2017 02:49 PM
Noong Huwebes at Biyernes ng nakaraang linggo, Hunyo 22 at 23, ibinaba sa Barangay Sibut ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng K Outreach Program. Subalit bago pa man bumaba ang K-Outreach, nauna na nang mamigay ng bigas noong Hunyo 21 ang City Social Welfare & Development Office sa mga volunteers na naglinis sa barangay sa pamamagitan ng Food for Work Program, kung saan ang mga tumutulong sa paglilinis sa pamayaman ay nakakatanggap ng bigas mula sa lokal na pamahalaan.
Umabot sa 300 ang mga nabigyan ng serbisyo ng City Health Office sa pinagsamang medical at dental check-up services noong unang araw.
Nasa 50 naman ang naserbisyuhan ng City Veterinary Office na namigay ng libreng pampurga, bitamina at antibyotiko para sa mga hayop, kasama na ang bakuna at kontra rabies. Tatlong daang reading glasses naman ang naipamigay at kasabay nito ay personal na nakausap ni Mayor Kokoy Salvador ang mga dumalo sa outreach.
Umabot sa 240 iba’t ibang uri ng puno at bungang-kahoy ang ipinamahagi naman ng City Agriculture Office at CENRO, at namigay din ng mga buto at punlang gulay sa mga residente.
Umabot naman sa 500 residente ang nakatanggap ng packed goods mula sa City Social Welfare and Development Office.
Sa ikalawang araw ay humataw ang Zumba Eskwela kung saan ay pinangunahan ni Zin Mark ang ehersisyo sa 1,100 mag-aaral at guro ng San Jose East Central School. Ito ang pinakamalaking bilang ng mga lumahok sa Zumba Eskwela, at ito rin ang pinakaunang Zumba Eskwela ngayong school year 2017-2018.
Umabot naman sa 55 ang humiling sa Community Affairs Office na mahatiran ng libreng buhangin. Sa kasalukuyan ay nasa 29 na truck loads na ang naihahatid, at patuloy pa rin ang lokal na pamahalaan sa paghahatid ng buhangin sa nasabing barangay.
Nabusog din ang mga taga-Sibut sa almusal na hatid ng City Cooperative Development Office. Dumating din ang City Nutrition Office, Franchising and Regulatory Office at PESO upang maghatid ng iba pang serbisyo.
Ilan lamang ang mga ito sa mga serbisyong inihandog ng K Outreach Program sa Sibut na lubhang ikinasiya ng mga residenteng dumalo rito.
Bukas ay ibababa naman ang K Outreach Program sa barangay Calaocan.
(Melody Z. Bartolome)