News »


K Outreach sa Sinipit Bubon

Published: September 08, 2023 03:09 PM



Tumungo ang K Outreach Program sa Brgy. Sinipit Bubon nitong umaga para magbigay ng mga libreng serbisyo at tulong mula sa iba’t ibang opisina ng lokal na pamahalaan at iba pang mga ahensiya at samahan.

Hinihayat ni Mayor Kokoy Salvador ang mga residente roon na sulitin ang araw na ito at ang mga serbisyong hatid ng K Outreach.

Naghandog naman ng nakaaaliw na TikTok dance si Vice Mayor Ali Salvador kasama ang ilang konsehal.

Samantala, nagpaalala rito ang PNP San Jose na huwag na huwag magbibigay ng mga personal o pribadong impormasyon sa social media, lalo na’t tumataas ang kaso ng mga nai-scam dito sa lungsod.

Giit ng Pulisya na magdoble ingat at dapat “think before you click”.