News »


K Outreach sa St. Cecilia, Abar 1st

Published: March 24, 2023 05:06 PM



Muling naghatid ng mga libreng tulong at serbisyo ngayon araw (Marso 24) ang K Outreach Program ng lokal na pamahalaan sa St. Cecilia, Abar 1st, kung saan nakadaupang palad ng mga residente si Vice Mayor Ali Salvador at ilang konsehal ng lungsod.

Nagpaabot naman ng pagbati si Mayor Kokoy Salvador sa pamamagitan ni Vice Mayor Ali sa mga dumalo sa programa.

Game na game ding sumali sa pampasiglang bilang si Vice Mayor Ali kasama ang mga Daycare Worker.

Samantala, ginugunita ngayong araw ang World Tuberculosis (TB) Day kaya naman nagbigay ng impormasyon ukol dito si Midwife III Lanie Salonga ng City Health Office.

Hinikayat ni Salonga na magpakonsulta sa Rural Health Unit (RHU) kung may sintomas nito kagaya ng ubo ng umaabot ng dalawang linggo o higit pa, at kung positibo sa TB ay mayroong libreng anim na buwang gamutan para dito.

Lubos naman ang pasasalamat ni Punong Barangay Librado Dulay sa K Outreach Program na idinaos ng apat na beses sa kanilang barangay.