News »


K Outreach sa Villa Ramos, Abar 1st

Published: March 10, 2023 06:00 PM



Nakatanggap ng tulong at serbisyo ang mga taga-Villa Ramos sa Brgy. Abar 1st mula sa K Outreach Program ng lokal na pamahalaan kaninang umaga (Marso 10).

Kasamang dumalaw roon sina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador para batiin din ang mga residente na nagdiriwang ng kanilang fiesta.

Ayon kay Mayor Kokoy, suwerte ang mga taga-Abar 1st sapagkat 10 araw na selebrasyon ang pinaghirapang ihanda ng Sangguniang Barangay para sa kanila kung kaya’t nararapat lamang na sulitin at i-enjoy nila ito.

Hinikayat naman ni Vice Mayor Ali na sulitin din ng mga naroon ang mga serbisyong dala ng K Outreach para sa kanila.

Sa susunod na Biyernes (Marso 17), babalik ang K Outreach sa Abar 1st at gaganapin naman ito sa Pabalan.

Samantala, ibinalita naman ng City Tourism Office na bukas ang kanilang opisina upang suportahan ang mga mayroong talento sa paglikha ng iba’t ibang produkto.

Anila, handa silang magsagawa ng mga pagsasanay para sa mga ito upang mas malinang ang kani-kanilang mga galing.

Nagpaalala rin ang San Jose City Police ukol sa pagkakalat ng maling balita gaya na lamang ng insidente ng kidnapping dito o pangunguha ng bata at isinasakay sa van na mariin nilang pinabulaanan.