News »


Kaalaman sa Batas Trapiko, Ibinahagi sa mga Enforcers

Published: September 29, 2016 05:10 PM



Setyembre 28 - Alinsunod sa adbokasiya ni City Mayor Mario “Kokoy” Salvador na “Lahat ng Mamamayan ay may K”, sumailalim sa isang Traffic Management Seminar ang mga bagong traffic enforcers ng lungsod upang mabigyan ng kaalaman sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa mga lansangan at para sa “kaayusan” ng Bagong San Jose.

Ilan sa mga tinalakay ni Bataan Licensing Division OIC Ronald Dabu ang Traffic Rules and Regulations, Values Information, Protocol in apprehending traffic violators, Traffic Basic Management System, at mga batas sa ilalim ng Land Transportation Office o LTO.

Ibinahagi naman ni Franchising & Regulatory Officer III Miguel Lindain ang mga ordinansa hinggil sa lansangan at ang mga karampatang multa sa mga lalabag dito. (Ella Aiza D. Reyes)