Kagamitan para sa Mushroom Growing House sa Barangay Palestina, ipinamahagi
Published: October 04, 2022 05:00 PM
Ipinagkaloob ng City Agriculture Office (CAO), kasama ang Rural Improvement Club (RIC) ang 1,300 oyster mushroom fruiting bags at iba pang materyales para sa Mushroom Growing House sa Barangay Palestina ngayong araw (Oktubre 4).
Iginawad ito sa samahang Pinagkaisang Lakas ng Kababaihan (PILAK) sa naturang barangay bilang tulong pangkabuhayan.
Kaugnay nito, nauna nang binigyan ng pagsasanay ukol sa produksiyon ng kabute ang PILAK noong Setyembre 15.
Samantala, kasamang nagpamahagi ng mga kagamitan para sa Mushroom Growing House sina Punong Lungsod Kokoy Salvador, City Councilor Trixie Salvador-Garcia, City Councilor Mawie Munsayac-dela Cruz, at City Agriculturist Francisco Dantes.
Dumalo rin si Vice Mayor Ali Salvador upang makiisa sa programa at kumustahin ang mga taga-Palestina.
Nagpaalala naman ang Punong Lungsod sa mga miyembro ng PILAK na pahalagahan at mahalin nila ang mga proyekto para sa kanilang barangay upang magkaroon ng dagdag pagkakakitaan ang bawat pamilya ng mga residente roon.
Inihayag din ni Mayor Kokoy ang kanyang proyekto at hangarin na makilala ang Barangay Palestina sa Buong Nueva Ecija dahil napili itong pagtayuan ng Agricultural High School.
Dagdag pa rito, plano ring magtatag doon ng isang gusali na may anim na sild-aralan para sa elementarya.