News »


Kalinga sa Nakatatanda

Published: July 10, 2021 01:00 AM



Walumpu at pitong indigent senior citizens sa lungsod ang nahandugan ng tulong mula sa programang “Kalinga sa Nakatatanda” na naisakatuparan sa pagtutulungan ng mga empleyado ng Lokal na Pamahalaan at ilang pribadong indibidwal.

Mula sa nalikom na donasyon, tatlong beses nakatanggap ang mga benepisyaryo ng basic goods gaya ng bigas, de lata, gatas, gulay at prutas, isda, itlog, maging mga sabon, alcohol at iba pa.

Sa pangunguna ni City Human Resource Management Officer Joel Yacan, at sa suporta ng ilang empleyado ng City Hall, nabuo noong buwan ng Mayo ang konsepto para sa aktibidad na may temang “Ating Lingapin ang mga Taong Unang Nagmahal sa Atin” upang makatulong na tugunan ang munting pangangailangan ng mga pinalad na benepisyaryo kahit sa maikling panahon.

Dagdag pa rito, nakapagbahagi rin ng tulong sa Tahanan ng Damayang Kristiyano o TDK mula sa nalikom na pondo.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga lolo at lolang nakatanggap ng biyaya sa mga taong nasa likod ng pagkalingang ito.