�Kariton Mo, Itulak Mo�
Published: August 14, 2017 05:19 PM
Bumida ang mga matitipunong trabahador ng rice mills, kamalig at palay buying stations sa lungsod na lumahok sa bagong larong “Kariton Mo, Itulak Mo” na isinagawa nitong Agosto 9 sa Pag-asa Sports Complex bilang bahagi pa rin ng selebrasyon ng ika- 48 taong pagkakatatag ng lungsod.
Sa larong ito, nagkarera ang 14 na grupo na may tig-limang miyembro sa pamamagitan ng pagtakbo, pagsalansan ng kaban-kabang palay sa kani-kanilang kariton at nag-unahang magkamada ng mga palay.
Wagi sa karera ang grupo ng Babas Rice Mill na nakatanggap ng sampung libong piso, sinundan naman ito ng Sanchez Rice Mill na nakapag-uwi ng pitong libong piso.
Nakapag-uwi naman ng limang libong piso ang SOD Group, samantalang tatlong libong piso naman ang napagwagian ng 3J Group.
Matagumpay na naisagawa ang kompetisyon sa pangunguna ng Sports Development Office.
Umuwing may ngiti ang bawat kalahok dahil nakatanggap din ng consolation prizes ang mga di pinalad na manalo.
(Rozz-Agoyaoy Rubio)