News »


Kauna-unahang Demo Gulayan sa Paaralan Field Day

Published: June 29, 2023 05:44 PM



Bidang-bida ang iba’t ibang pananim na gulay sa kauna-unahang Demo Gulayan sa Paaralan Field Day na ginanap sa San Mauricio Elementary School nitong Martes (Hunyo 27).

Pinangunahan ng City Agriculture Office sa tulong ng East-West Seeds ang nasabing programa.

Dito, matatagpuan sa 600 sqm kuwadernong taniman ang iba’t ibang pananim gaya ng talong, sili, ampalaya, patola, pipino, mais at pakwan.

Bumisita at nakisaya sa nasabing Field Day sina Vice Mayor Ali Salvador kasama ng ilang konsehal ng lungsod.

Dumalo rin dito sina Division Education Supervisor Allan Santos ang Gulayan sa Paaralan Program Coordinator na si Elfren Somera at ilan pang opisyal ng barangay.

Nagpasalamat naman sina City Agriculturist Francisco Dantes at School Principal Micaela Amador sa lahat ng dumalo.

Bukod pa rito, nagkaroon din ng cook fest sa paaralan kung saan ang mga kalahok ay mga magulang ng mga mag-aaral.

Samantala, nitong umaga (Hunyo 29) ay sama-sama ding nagtanim sina Vice Ali at ilang miyembro ng Sangguninag Panlungsod pati na rin ang ilang naninirahan sa Zone 11, Brgy. Sto. Tomas nang opisyal na simulan ang Gulayan sa Bakuran sa nasabing barangay.