News »


Kauna-unahang Big Bike Invitational Ride sa San Jose, dinayo

Published: August 17, 2018 02:51 PM



Itinampok sa Lungsod San Jose sa kauna-unahang pagkakataon ang Big Bike Invitational Ride kung saan dumayo ang 19 na grupo na nagmula pa sa iba't ibang bayan mula Hilaga hanngang Timog Luzon.

Isa sa mga dumayo at nakisayang riders si Senator JV Ejercito.

Hindi inalintana ng senador at kapwa riders ang lakas ng ulan, at lahat ay masayang umikot sa City Social Circle.

Iba’t ibang klase ng magagarang motor na hindi bababa sa 400 cc ang pumarada sa naganap na motor display.

Nagkaroon din ng pa-raffle na pinangunahan ni Punong Lungsod Kokoy Salvador, kung saan ipinamigay ang isang bagong pulang Honda Wave 110 motorcycle na naiuwi ng kalahok mula sa Angeles City.

Umabot sa 340 katao ang nakiisa sa fun ride na ito bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng 49th San Jose City Day.