News »


Kauna-unahang GAD seminar para sa mga kooperatiba isinagawa

Published: July 11, 2018 05:00 PM



Mahigit kumulang 100 katao mula sa 20 kooperatiba ng lungsod ang dumalo sa naganap na kauna-unahang Gender & Development Seminar para sa mga kooperatiba nitong July 6.

Tinalakay sa nasabing seminar ang kahalagahan ng pagiging gender sensitive ng isang tao at hindi dapat pairalin ang diskriminasyon sa kasarian.

Sinabi naman ng tagapagsalita na si CLSU GAD Director Janet O. Saturno na isang mandato ang pagkakaroon ng GAD seminar sa bawat kooperatiba upang mamulat ang bawat miyembro sa kahalagahan ng gender equality and gender sensitivity.

Naroon din sa nasabing seminar si Mayor Kokoy Salvador upang magbigay ng inspirational message at sinabi niyang hindi dapat husgahan ang kakayahan ng isang tao sa pamamagitan ng kaniyang kasarian.

Dagdag naman ni Focal person and chairman ng San Jose City Local Government Credit Cooperative at City librarian Helen Ercilla na dapat bawat kooperatiba ay magkaroon ng GAD committee kaya naman nabuo ang kauna-unahang GAD seminar na ito.

Binigyang diin niya at inihalimbawa ang chairman at chairwoman kung ikaw ay gender sensitive mas maganda umanong gamitin na lamang ang salitang chairperson.