Kokoy Salvador Inter-Town Basketball League, Inilunsad
Published: January 22, 2023 09:00 AM
Nagsimula nitong Biyernes (Jan 20) ang inaabangang Kokoy Salvador Inter-Town Basketball League kung saan magbabakbakan sa hardcourt ang walong bayan sa Ikalawang Distrito ng Nueva Ecija, kabilang ang Carranglan, Llanera, Lupao, Pantabangan, Rizal, Talugtug, Science City of Muņoz, at San Jose City (SJC).
Inumpisahan ang liga ng motorcade ng mga koponan mula Pag-asa Sports Complex at tumungo sa Simeon Garcia Sports Complex kung saan idinaos ang panimulang programa.
Mainit na pagbati ang kapwa ipinahayag nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali Salvador sa lahat ng dumalo at sumuporta sa liga.
Nagpasalamat din si Mayor Kokoy sa Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) 2022 Champion Nueva Ecija Rice Vanguards at NLEX Road Warriors ng PBA na nagharap sa isang exhibition game kasabay ng opening program.
Dumalo rin si Vice Gov. Doc Anthony Umali, at aniya, simula ng pagkakaisa ng buong District 2 ang ganitong programa kung saan nagsama-sama ang walong bayan dito.
Bukod sa basketball players, rumampa rin at nagtagisan ang mga muse ng bawat koponan, kung saan nanalo ang pambato ng SJC sa Junior Division, habang taga-Science City of Muņoz naman sa Senior Division.
Samantala, nagharap ang Team SJC at Team Lupao sa parehong dibisyon sa opening game ng liga.
Naging mainit ang bakbakan sa Senior Division ngunit mas nangibabaw ang koponan ng Lupao at nanalo sa final score na 95-93.
Bumawi naman ang lungsod sa Junior Division at pinataob ang kalaban sa score na 95-85.
Sa exhibition game, hindi rin nagpatinag ang Nueva Ecija Rice Vanguards sa mga bisitang manlalaro mula PBA at tinalo ang NLEX Road Warriors, 113-109.
Susunod namang maghaharap ang Pantabangan at Talugtug sa Enero 25, at inaasahang magpapatuloy ang Kokoy Salvador Inter-Town Basketball League hanggang Setyembre.