COVID-19 Bulletin »


Kontra COVID-19 Bakuna Caravan Activity (Bagong Sikat, San Juan at Porais)

Published: November 01, 2021 03:00 PM



Nagpatuloy ang Barangay Bakuna Caravan nitong Oktubre 27 hanggang 29 sa pagtutulungan ng Ospital ng Lungsod San Jose, San Jose City General Hospital, City Health Office, Community Affairs Office, at Office of the City Mayor - Extension.

Nakapagbakuna ng 292 katao sa Brgy. Bagong Sikat, 185 sa Brgy. San Juan, at 297 sa Brgy Porais. 

Dumalo si Punong Lungsod Kokoy Salvador sa aktibidad at nagbigay ng mensahe sa mga taga-barangay. 

Hinikayat din ng Punong Lungsod ang mga hindi pa nagpapabakuna na huwag nang mag-alinlangan sapagkat ang bakuna ay ligtas para sa kalusugan at mahalaga para malabanan ang pandemyang dulot ng COVID-19. 

Samantala, mag-aanunsyo ng bagong schedule ng caravan ang Community Affairs Office ngayong linggo.