COVID-19 Bulletin »


Kontra COVID-19 Bakuna Caravan Activity (Tondod, Sinipit Bubon at A. Pascual)

Published: October 26, 2021 01:00 AM   |   Updated: November 05, 2021 12:33 PM



Sinimulan ng Lokal na Pamahalaan ang Barangay Bakuna Caravan sa pangunguna ng Ospital ng Lungsod San Jose kasama ang San Jose City General Hospital team nitong nakaraang linggo, Oktubre 20 hanggang 22. 

Ayon sa Punong Lungsod Kokoy Salvador, makakatulong ang bakuna caravan upang hindi na mag-agam-agam o mag-alinlangan ang mga nasa malalayong barangay sa pagpunta sa PAG-ASA Sports Complex, at makakatipid na rin dahil hindi na sila gagastos ng pamasahe papuntang bayan. 

Nakapagbakuna ng 531 katao mula sa mga barangay ng Tondod, Sinipit Bubon, A. Pascual, at San Mauricio sa tatlong araw na nabanggit. 

Nagpapatuloy ang pagbabakuna sa iba pang barangay ngayong linggo.