COVID-19 Bulletin »


Kontra COVID-19 Bakuna Caravan - Kita-Kita, Manicla, Tayabo

Published: November 08, 2021 05:15 PM



Muling nagtulungan ang Ospital ng Lungsod San Jose, San Jose City General Hospital, City Health Office, Community Affairs Office, at Office of the City Mayor - Extension sa ikatlong linggo ng Barangay Bakuna Caravan nitong Nobyembre 3 hanggang 5.

Nakapagbakuna ng 625 katao sa Brgy. Kita-Kita, 371 sa Brgy. Manicla, at 440 sa Brgy Tayabo. 

Nagpatuloy din ng paghihikayat si Punong Lungsod Kokoy Salvador sa mga hindi pa nagpapabakuna na huwag nang mag-alinlangan sapagkat ang bakuna ay ligtas para sa kalusugan at mahalaga para malabanan ang pandemyang dulot ng COVID-19.