COVID-19 Bulletin »


Kontra COVID-19 Vaccination Schedule - 1st Dose Pediatric (November 8, 2021)

Published: November 07, 2021 01:00 PM



SAN JOSE CITY COVID-19 VACCINATION - FIRST DOSE

Narito ang listahan ng unang 200 na may edad 12 hanggang 17 yrs old na nagparehistro online na maaari nang bakunahan sa Lunes, Nobyembre 8, sa PAG-ASA Sports Complex. 

MGA DAPAT DALHIN SA ARAW NG PAGBABAKUNA:
1. Kung may comorbidity ang bata, medical certificate na nagsasaad ng comorbidity ng batang babakunahan. 
2. Proof of filiation o dokumento na nagpapatunay ng relasyon o kaugnayan ng batang babakunahan at ng magulang o tagapag-alaga/guardian (gaya ng birth certificate).
3. Valid ID ng bata at ng magulang o tagapag-alaga.
Bukod dito,  kailangang pirmahan ng magulang o tagapag-alaga ang Informed Consent Form at sasamahan ang bata sa araw ng pagbabakuna.

- Hindi muna tatanggap ng walk-in sa edad 12 hanggang 17
- Tatanggap ng walk-in sa edad 18 pataas mula 1 PM hanggang 4 PM.
- Sa mga nagparehistro, mangyaring dumating sa takdang oras.
- Ang registration form ay makukuha sa vaccination site (PAG-ASA).
- Magdala ng valid ID at sariling ballpen.
- Magsuot ng face mask at face shield.
- Dumating sa takdang oras.
- Panatilihin ang physical distancing. 

#Resbakuna
#BIDABakunation
#ProtektadoAngBakunado