COVID-19 Bulletin »


Kontra COVID-19 Vaccination Schedule - February 1, 2022

Published: January 31, 2022 04:07 PM



Muling magkakaroon ng pagbabakuna sa Public Market Covered Court sa Pebrero 1, alas-otso ng umaga hanggang alas-tres ng hapon, para sa mga may edad labindalawang taong gulang pataas. 

Narito ang mga bakunang available:
1st dose - Pfizer, Sinovac, Janssen
2nd dose - All brands
Booster - Pfizer

PAALALA: 
  Kailangang may tatlong buwan na ang nakalipas mula nang mabakunahan ng second dose ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac, o Sputnik V bago magpa-booster shot
  Ang mga nabakunahan ng Janssen (J&J) ay maaaring makakuha ng kanilang booster shot makalipas ang dalawang buwan mula sa kanilang first dose.
  Hindi maaaring magpabakuna kung:
- may sakit gaya ng ubo, sipon, lagnat, sore throat, o iba pang sintomas ng COVID-19
- Close Contact o na-expose sa taong positibo sa COVID-19 hangga’t hindi pa tapos ang itinakdang quarantine period

Para sa mga katanungan ukol sa COVID-19 vaccination, tumawag sa City Health Office (CHO): 0949 313 4686