COVID-19 Bulletin »


Kontra COVID-19 Vaccination Schedule (Open)

Published: January 17, 2022 05:18 AM



NEW COVID-19 VACCINATION SCHEDULE

WALK-IN tuwing Lunes hanggang Biyernes, 8:00nu -3:00nh sa Pag-asa Sports Complex, City Proper
- FIRST DOSE para sa mga 12 taong gulang pataas
- SECOND DOSE (Sundin ang iskedyul na nasa inyong Vaccination Card. Maaari ding mag-walk-in ang mga hindi nakapunta noon sa kanilang orihinal na iskedyul)
- BOOSTER SHOT para sa mga 18 taong gulang pataas na kabilang sa Priority Group A1 (Healthcare Workers/Personnel), A2 (Senior Citizens), A3 (Adults with comorbidity), at A4 (Essential workers)

PAALALA: 
- Kailangang may tatlong buwan na ang nakalipas mula nang mabakunahan ng second dose ng AstraZeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac, at Sputnik V bago magpa-booster shot.
- Ang mga nabakunahan ng Janssen (J&J) ay maaaring makakuha ng kanilang booster shot makalipas ang dalawang buwan mula sa kanilang first dose.
X Hindi maaaring magpabakuna kung:
- may sakit gaya ng ubo, sipon, lagnat, sore throat, o iba pang sintomas ng COVID-19
- Close Contact o na-expose sa taong positibo sa COVID-19 hangga’t hindi pa tapos ang itinakdang quarantine period (may sintomas man o wala)
Para sa mga katanungan ukol sa COVID-19 vaccination, tumawag sa City Health Office (CHO): 0949 313 4686