News »


K-Outreach, dumayo sa Brgy. Tulat

Published: October 02, 2018 04:20 PM



Muli na namang nagpasabog ng biyaya ang inaabangang K-Outreach Program sa Brgy. Tulat noong nakalipas na Biyernes, ika-28 ng Setyembre sa covered court ng nasabing barangay.
Pinangunahan ni Mayor Kokoy Salvador ang naturang programa kasama ang ilang mga opisyales ng Sangguniang Panlungsod.
Tumanggap ang mga residente ng mga libreng serbisyo at mga bagay: salamin sa mata, seedlings, bakuna sa alagang aso, mga gamot at vitamins, contraceptives, check-up sa mga sanggol, pagbibigay ng mga payong legal, serbisyo para sa mga senior citizen, masahe at gupit, feeding, pag-aasiste para sa paghahanap ng trabaho, pagrerehistro, at marami pang iba.
Nagbigay ng kani-kaniyang mensahe ang mga opisyales. Ayon kay Mayor Kokoy, tuloy-tuloy ang ginagawang pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan para mabigyan ng mas magaganda pang serbisyo ang mga mamamayan sa buong lungsod ng San Jose.
At gaya ng malimit gawin, maganang pinagsaluhan ng mga bisita at residente ang boodle fight.
Magiliw naman ang pagtanggap ni Kapitan Nartishtelle T. Soriano at iba pang barangay officials sa K-Outreach na ito sa kanilang lugar.
(Ramil D. Rosete)