News »


K-Outreach Program, patuloy sa pag-arangkada

Published: August 24, 2017 03:42 PM



Hindi pa rin tumitigil ang Lokal na Pamahalaan sa pagtulong at pagbibigay ng libreng serbisyo sa mga barangay sa lungsod sa pamamagitan ng K-Outreach Program.

Kanina, Agosto 24 at nitong Martes, Agosto 22, dinagsa ng mga residente ng Barangay F.E. Marcos ang PAG-ASA Sports Complex nang dumayo ang programa sa pangunguna pa rin ng Punong Lungsod Kokoy Salvador.

Katulad ng dati, nakipagkwentuhan at nakisalamuha ang Punong Lungsod sa mga mamamayan doon para pakinggan ang kanilang mga pangangailangan, suhestyon at hinaing na talaga namang gustong malaman ng Punong Lungsod upang mabigyang aksyon.

Ilan sa mga serbisyong naiabot ng Lokal na Pamahalaan ay ang libreng reading glasses, bigas para sa food for work program at libreng buhangin.

Sa Martes, tutungo naman sa Barangay Canuto Ramos ang K-Outreach Program at sa iba pang mga barangay sa lungsod sa mga susunod na araw para patuloy na maglingkod sa mga San Josenians, at ipakita sa kanila na patuloy na umaalalay at tumutulong ang Lokal na Pamahalaan sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay, at para iparamdam na kasama sila sa pag-unlad at mga programa ng Bagong San Jose.

(Jennylyn N. Cornel)