Leadership for Adolescent and Youth-Friendly Cities (LAYFC) Barangay Training of Trainers
Published: September 12, 2022 11:00 AM
Sumalang sa dalawang araw na pagsasanay ang The Challenge Initiative-City Leadership Team (TCI-CLT) ng Lokal na Pamahalaan na magsisilbing trainers sa mga priyoridad na barangay upang matugunan ang isyu ukol sa teenage pregnancies sa mga barangay.
Isinagawa ang Leadership for Adolescent and Youth-Friendly Cities (LAYFC) Barangay Training of Trainers nitong Setyembre 8-9 sa Hotel Maiya sa pakikipagtungan ng Zuellig Family Foundation (ZFF).
Nagsilbing tagapagsanay sina Dr. Anjelica Joy Nacnac, ZFF Learning and Development Consultant; Dr. Alphonse Guevarra, Regional Account Officer IVA & V; Maria Teresa Ferrolino, Dipolog City Technical Lead; at Jessica Placido, TCI Monitoring and Evaluation Associate.
Itinuro sa CLT ang mga epektibong istratehiya sa pagsasanay upang makuha ang atensiyon at dedikasyon ng barangay leaders sa pagpapatupad Adolescent -Youth Sexual Reproductive Health (AYSRH) sa kani-kanilang nasasakupan.
Layon din ng programa na mamulat ang mga barangay sa kasalukuyang estado ng AYSRH sa kanilang komunidad at matukoy ang mga hamon at posibleng solusyon upang matugunan ito.
Bago matapos ang pagsasanay, nagkaroon pa ng return demo ang CLT members.
Kaugnay nito, aasahang dadayo sa mga priyoridad na barangay ang CLT upang ibahagi ang LAYFC.
Makaaasa naman ang mga lider ng barangay sa tulong at gabay mula sa ZFF, TCI, at CLT ng Lokal na Pamahalaan para sa ikatatagumpay ng programa.