News »


LGU employees, nakiisa sa International Clean-up Month

Published: September 22, 2017 05:02 PM



Umabot sa 5.5 truckload ng nabubulok at 4.75 truckload ng residwal na basura ang nahakot sa isinagawang clean-up drive sa lungsod kaninang umaga (Setyembre 22) bilang pakikiisa sa International Clean-up Month ngayong buwan ng Setyembre, sa ilalim ng Manila Bay Clean-up Rehabilitation and Preservation Program (MBCURPP).

Aktibong lumahok sa naturang programa ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan na hinati sa sampung grupo.

Kabilang sa mga lugar na nilinis ay ang Upper Talavera River sa Brgy. San Agustin at Brgy. Sibut Bridge; Panlasyan Creek; Central Terminal Compound; Christian Ville; Encarnacion Subdivision; Brgy. Abar 1st Road Side; at San Jose-Lupao Road Side.

Kaugnay nito, nagsagawa nag documentation kung saan kinuhanan ng litrato ang mga natukoy na lugar bago at pagkatapos itong linisin.

Bago maganap ang malawakang paglilinis pinagplanuhan muna ang trash mapping, kung saan gumawa ang City Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng mapa na magsisilbing gabay sa mga lugar na may mga basurang nakatambak.

Naisagawa ang naturang aktibidad sa pangunguna ng CENRO at pakikipaglutulungan at suporta ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan.

(Rozz Agoyaoy-Rubio)