LGU Fun Ride Cycling Activity 2023
Published: September 11, 2023 01:17 PM
Bukang liwayway pa lang nitong Biyernes ay nagtipon-tipon na sa City Social Circle ang mga cycling enthusiast na kawani ng lokal na pamahalaan at sama-samang umarangkada para sa Fun Ride Cycling.
Bahagi ito ng selebrasyon ng ika-123 Anibersaryo ng Serbisyo Sibil hindi lamang para magbigay kasiyahan sa mga kalahok, kundi para isulong din ang pagbibisikleta na isang mabuting paraan ng pag-eehersisyo at nakatutulong din ito sa kalikasan.
Kaugnay nito, tinahak ng mga kalahok ang tinatayang 26 na kilometrong ruta kung saan nilibot nila ang Barangay Calaoacan, Tulat, Pinili, Porais, San Juan, Villa Marina, Kaliwanagan, San Augustin, Palestina, Sibut, at Crisanto Sanchez hanggang makabalik sa City Social Circle para sa awarding program.
Kinilala rito ang mga aktibong sumali sa pagbibisikleta, kabilang ang King and Queen of the Road na sina Michael Angelo Bantigue ng City Health Office (CHO) at Liberty Tomas ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Top 3 finishers naman sina Raphael Simeon ng Sports Development Office (SDO), Romulo Gripal ng Sangguniang Panlungsod (SP), at Ramir Salvador ng Office of the City Mayor (OCM).
Samantala, Early Birds sa naturang aktibidad sina Vigor Gonzales (SP), Louis Tomas (City Agriculture Office), Oscar Pagarigan (SP), Haidee Leovin (OCM), Angelus Lores (City Population Office), at Joana Marie Viloria (Housing and Homesite Regulation Office).
Magbubukas naman ngayong araw, Setyembre 11 ang LGU Sportsfest.