News »


LGU Sportsfest 2022 Closing and Awarding Program

Published: October 10, 2022 02:09 PM



Naging matagumpay ang pagtatapos ng LGU Sportsfest 2022 nitong ika-7 ng Oktubre, matapos ang isang buwan na nagtagisan sa iba’t ibang laro ang limang koponan ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.

Inuwi ng Red Team ang titulong Overall Champion, na sinundan naman ng Blue Team, pangatlo ang Yellow, pang-apat ang White, at panlima ang Green Team.

Nagkampeon naman sa Men’s Basketball ang White Team at kinilala bilang Most Valuable Player (MVP) ang manlalaro ng naturang koponan na si Joel Somera.

Kabilang din si Somera sa Mythical Five ng basketball, kasama sina Manuel Bryan Ursua, Danilo Marcelo Jr, Mark Joel Diamonon, at Ryan Molina.

Samantala, kampeon din ang White Team sa Men’s and Women’s Volleyball at itinanghal na MVP sina Ashley Soriano (Men’s) at Xela Mikaela Bucao (Women’s).

Napili naman sa Mythical Six ng Volleyball ang mga sumusunod:
Men’s:
Ashley Soriano
Jojo Sinangelo
Nataniel Micua
Janno Valencia
Jomar Manigas
Nikko Santiago

Women’s:
Xela Mikaela Bucao
Ann Marie Arquero
Mara Padrid
Cherry Dasalla
Janice Martinez
Ruby Manabat

Narito ang listahan ng mga nagkampeon sa iba pang isports:

Bowling:
- Women’s: Yellow Team
- Men’s: Red Team

Badminton:
- Men’s Singles: Glenn Edward Celestino (Red Team)
- Women’s Singles: Mylene Arcega (Yellow Team)
- Men’s Doubles: Glenn Edward Celestino at James Victor Patacsil (Red Team)
- Women’s Doubles: Precious Lowella Medina at Mylene Arcega (Yellow Team)
- Mixed Doubles: Gilbert Tayao at Michele Salmo (Red Team)

Table Tennis:
- Men’s Singles: John Bertrand Gatchalian (Red Team)
- Women’s Singles: Jasmin Medina (Blue Team)
- Men’s Doubles: Emmanuel Reyes at Ian Miranda (Yellow Team)
- Women’s Doubles:Ann Marie Arquero at Jubeth Paray (White Team)
- Mixed Doubles: Jessamin Medina at Johnson Fernandez (Blue Team)

Chess Overall Champion: Yellow Team
- Board 1: Emmanuel Nelasco (Yellow Team)
- Board 2: Darwin Rigos (Yellow Team)
- Board 3: Christian Maningas (Yellow Team)
- Board 4: Miguel Lindain, Jr. (Apple Green Team)

Bago ang paggawad ng parangal, nagharap muna sa isang basketball exibition match ang Team Mayor Kokoy Salvador kontra Team Vice Mayor Ali Salvador.

Pinataob ng koponan ni Mayor Kokoy ang Team Vice Mayor sa final score na 41-33.

Bukod dito, nagkaroon din ng singing contest kung saan nanguna ang kinatawan ng Blue Team na si Joan Fernando na umawit ng ‘Gaano Ko Ikaw Kamahal’ ni Celeste Legaspi.

Muli namang ipinamalas sa programa ang galing sa pagsayaw ng Red Team na kampeon sa TikTok Dance Competition.

Inaliw din ang mga manonood ng pampasiglang bilang ng grupo ng Zumba in the City.

Binati naman nina Mayor Kokoy at Vice Mayor Ali ang lahat ng nagwagi at aktibong nakibahagi sa LGU Sportsfest sa taong ito.

Ipinahayag din ng Punong Lungsod ang kanyang labis na kasiyahan na muling nakapagdaos ng naturang aktibidad matapos ang dalawang taon dahil sa pandemya.