News »


LGU Sportsfest 2023 Opening

Published: September 12, 2023 02:32 PM



Opisyal nang sinimulan ang taunang LGU Sportsfest kahapon (Setyembre 11), kung saan magtutunggali ang limang koponan na binubuo ng 42 opisina ng lokal na pamahalaan.

Idinaos sa Pag-asa Sports Complex ang pagbubukas ng nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga kawani na hinati sa Red, Yellow, Green, Black, at Blue Team.

Isang mainit na pagbati ang ipinahayag dito ni Mayor Kokoy Salvador at humiling din ng 30 segundo sa mga naroon na mag-alay ng taimtim na panalangin para sa mga kapwa lingkod bayan na sina Ronald “Roro” Roldan at Demetrio “Jojing” Pascual Jr. na biglaang pumanaw.

Hinikayat naman ni Vice Mayor Ali Salvador ang mga kawani na i-celebrate at enjoyin ang Sportsfest na nagsisilbing ‘bonding’ ng LGU family.

Samantala, sabay-sabay nanumpa ang mga manlalaro para sa Oath of Sportsmanship at nag-Zumba bilang warm-up.

Isasagawa naman ang awarding ceremony sa September 25 para sa mga nagwagi sa larong badminton, table tennis, at chess.